Monday Flag Ceremony

LGU Pili Holds Regular Monday Flag Ceremony

May 11, 2026 | ENOT PILI NEWS

Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Pili ang regular Monday Flag Ceremony sa pangunguna ni Mayor Marivic Solano kasama ang mga department heads, empleyado, at mga opisyal ng munisipyo.

Naging daan ang programa upang maiparating ang mahahalagang anunsyo, updates, at mga plano ng lokal na pamahalaan para sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyo publiko sa bayan ng Pili.

Nagbigay rin ng mensahe si Mayor Solano hinggil sa kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina, at dedikasyon sa trabaho bilang lingkod bayan.