May 5, 2026 | ENOT PILI NEWS
Matagumpay na isinagawa ng Local Government Unit of Pili ang Information, Education, and Communication National Tuberculosis Program bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa tuberculosis sa komunidad.
Pinangunahan ito ni Mayor Marivic Solano kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at Rural Health Unit 2 upang mabigyan ng sapat na kaalaman at suporta ang mga TB patients sa bayan.
