Isang makabuluhan at nagbibigay-inspirasyong pagdiriwang ang isinagawa para sa ika-22 Women with Disability Day na may temang “Lakas ng Makabagong Babaylan: Pantay, Inklusibo at Lahat May Kakayanan.”
Pinangunahan ang programa ni Mayor Marivic B. Solano na nagbahagi ng kanyang makabuluhang mensahe ng pagpapatibay, pagkakapantay-pantay, at patuloy na pagbibigay-halaga sa kakayahan ng bawat kababaihang may kapansanan.
Nagbigay rin ng mensahe si Acting Vice Mayor Nicheta Malate kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa adbokasiya ng inklusibong komunidad.
Tampok din sa programa ang pagbibigay pagkakataon sa mga piling PWD na ipamalas ang kanilang talento sa pag-awit—isang patunay na ang kakayahan ay hindi nasusukat sa limitasyon kundi sa determinasyon at husay.
Taos-pusong pasasalamat naman sa GAD Focal Person na si Sir Alfon John Pato, MSWDO Head na si Maam Rosephine Sertan, at PDAO Head na si Maam Grace Rili sa matagumpay na pagsasakatuparan ng programang ito.
Patuloy nating ipagdiwang ang lakas, galing, at kakayahan ng bawat kababaihang may kapansanan tungo sa isang mas pantay at inklusibong lipunan.
