May 11, 2026 | ENOT PILI NEWS
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mother’s Day, nagbigay ng simpleng pagkilala si Mayor Marivic Solano sa lahat ng mga ina na empleyado ng LGU Pili sa pamamagitan ng pamamahagi ng bulaklak at mensahe ng pasasalamat.
Marami sa mga empleyado ang nagpahayag ng kanilang tuwa at appreciation sa simpleng gesture na kanilang natanggap, na naging simbolo ng pagpapahalaga sa kanilang sakripisyo bilang ina at lingkod bayan.
Naging makahulugan ang naturang aktibidad dahil sa simpleng paraan ay naramdaman ng mga empleyado ang kahalagahan at pagpapahalaga sa kanilang serbisyo at dedikasyon.
