May 4, 2026 | ENOT PILI NEWS
Opisyal nang binuksan ang Summer Olympace 2026 sa bayan ng Pili sa pamamagitan ng isang makulay at masiglang parada na dinaluhan ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan. Nahati sa walong koponan ang mga kalahok na nagbigay ng sigla at pagkakaisa sa pagbubukas ng taunang palaro.
Tampok sa opening ceremony ang iba’t ibang presentasyon at pagpapakilala ng bawat koponan bilang bahagi ng pagpapalakas ng camaraderie, teamwork, at sportsmanship sa hanay ng mga empleyado.
