Youth Organization

Youth Organization Officers Officially Inducted in Barangay Anayan

May 11, 2026 | ENOT PILI NEWS

Pormal nang na-induct ang mga bagong opisyal ng Balatas Youth Organization sa isinagawang induction ceremony at awarding night sa Sitio Balatas, Barangay Anayan, Pili.

Pinangunahan ni Mayor Marivic Solano bilang inducting officer ang nasabing aktibidad kung saan kanyang ipinahayag ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan para sa mga programang nagbibigay inspirasyon at oportunidad sa kabataan.

Nagpasalamat naman ang mga miyembro ng organisasyon sa pagkilala at suporta na kanilang natanggap mula sa LGU Pili.